Aralin Philippines

research abstract example tagalog

Halimbawa ng Abstrak

– Sa paksang ito, iintindihin natin kung ano nga ba ang Abstrak sa pammagitan ng mga halimbawa. Tara na’t tayo ay magsimula.

1. Ito ay abstrak tungkol sa mga teknik na ginagamit ng sangka-estudyantehan para makapag-aaal ng husto. Masdan kung papaano nagbibigay ang abstrak ng isang maikling buod ng akademikong sulatin.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na babaeng estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at maintindihan ng maigi ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na datos karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang  edukasyon  ay hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote learning”. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.

2. Kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon

  Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasan a yan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

Ito ay ilan lamang sa halimbawa ng abstrak. Sana kayo ay may natutunan gamit ang mga halimbawa na nakasaad sa itaas. Salamat sa pagbabasa!

Related posts:

  • Halimbawa ng Posisyong Papel
  • Pangatnig, Mga Uri at Halimbawa
  • Kahulugan at Halimbawa ng Idyolek
  • Halimbawa ng Talumpati
  • Posisyong Papel
  • Pang-abay: Mga Uri at Halimbawa
  • Ano ang Salawikain: Kahulugan at mga Halimbawa
  • Parabula: Kahulugan, elemento at mga halimbawa

IMAGES

  1. Abstract Sample in Pure Tagalog- FIlipino Language

    research abstract example tagalog

  2. Thesis Abstract Tagalog Sample

    research abstract example tagalog

  3. (PDF) Tagalog or Taglish: the Lingua Franca of Filipino Urban Factory

    research abstract example tagalog

  4. Filipino Thesis Abstract Tagalog

    research abstract example tagalog

  5. Abstract In Tagalog

    research abstract example tagalog

  6. Abstrak Filipino Thesis Abstract Tagalog

    research abstract example tagalog